Ang nananahimik na watawat
Akala ko magiging masaya ako dahil makakalayas na ako ng bahay matapos ang mahaba-habang panahon na pagtatago at pagtunganga sa harap ng computer…
Ewan ko ba kung bakit sobrang nasira ang maayos na pagdaloy ng dugo sa utak ko ng marinig ko ang proposal ni Gordon na gawing siyam ang sinag ng nananahimik na araw sa watawat ng Pilipinas. (Gordon proposes addition of ninth ray to RP flag’s sun) Oh di ba? Nai-imagine mo ba kung saan nila isisiksik yung ninth ray? Aysus! Hindi ko nga mai-drawing ng maayos yung sun tapos dadagdagan pa.
At ito pa ang hindi ko maintindihan. Sa mismong araw din na yun eh tuluyan ng nagunaw ang mga ugat na nakapalibot sa utak ko dahil sa hindi na mawala-walang traffic. Ang dahilan? Watawat. Ang watawat ng Pilipinas. Oh yes. Nagawa pa nilang magparada kahit na : (1) Hindi maluwag ang kalsada. (2) Maraming tao ang pauwi sa mga sandaling iyon.
Hindi pa dun natapos ang pangungunsumi ko noong May 28. Actually, wala namang kaso yung makita kong nagkakagulo yung mga tao sa kalsada na may bitbit na watawat at yung mga watawat na pumaparada sa kabilang panig ng kalsada. Ang talagang nakakairita eh yung pesteng sirena na galing sa mga sasakyan. Mabuti sana kung Lupang Hinirang yung naririnig ko, at least hindi nakakabingi.
Biruin mo, pagod ako sa kakaikot sa school pagkatapos eh yun pa ang sasalubong sa akin. Ang sarap magbigti. Sana naman sa susunod ay doon na lang sila rumampa sa maluwag na kalsada, yung tipong walang masyadong tao ang bumabyahe at yung malayo sa akin.
Peace out people!