Handa na sa pasukan
Ows? Hindi nga? Sigurado sila? So handa na sila. Ayaw kong maniwala.
Alam kong nagsimula ng pumasok ang mga estudyante (at nag-suspend na din ng klase kaninang 3:00 ng hapon habang ako’y nagpapakalunod sa pagtulog) pero sadyang hindi ako naniniwala na handa talaga sila. Paano ako maniniwala kung ilang beses kong naririnig sa balita ang tungkol sa mga kulang na upuan, classroom, libro, school nurse, at maging mga guro. Ah- yun siguro ang definition nila sa word na ‘handa’. Okay fine. Whatever. Kunyari naniniwala na ako… Ay hindi, ayaw akong payagan ng pasaway kong utak.
Ilang beses ko ding tinanong ang TV namin kung bakit kaya pa nilang magbigay ng kung anu-anong pagkain samantalang hindi pa nga tapos yung problema sa kulang-kulang na *ininguso yung mga nabanggit sa itaas*. Ayun. Pero kahit alugin ko ang TV namin eh wala akong nakukuhang sagot. Promise. Kaya nauwi na lang ako sa panunuod ng mga palabas sa KBS World at Arirang. Leche.
Sa totoo lang, hindi din ako naniniwala na handa na maging ang mismong pinapasukan ko ngayon. Paano ba magiging handa kung yung mismong papasok eh hindi handa di ba? Hirap nga akong ayusin yung schedule ko. Ay ewan. Bahala na nga muna sila sa buhay nila. Basta ako, mag-e-enjoy at patuloy na kokontra sa mga napapanuod, nababalitaan at naririnig ko.