suicideskizz

A(H1N1)

Hindi ko alam kung sadyang wala akong pakialam o sadyang wala nga talaga akong pakialam.

Influenza A(H1N1) - http://www.who.int/csr/disease/swineflu/en/

Clueless ako sa pagputok ng issue tungkol sa swine flu at kung anu-ano pa. Buti na lang at nakakasagap ako kahit paano ng balita kahit na nakatutok ako sa harap ng computer. Pero promise, wala talaga akong nararamdaman na takot o kung ano pa man na sa tingin ko ay dapat kong maramdaman. Ang weird ko di ba?

In fact, mas nag-enjoy pa ako sa pagkain ng baboy ng mga panahong iyon. Ang saya di ba? Adik talaga ako. Hindi din ako nag-abala na kumain ng gulay at kung anu-ano pa para hindi ako madaling dapuan ng sakit. May inayawan ko pa nga ata yung mga yun eh.

Pero bakit ba ito ang napagdiskitahan ko ngayon? Wala lang. Yun kasi yung balita kanina habang busy ako sa pagkain ng manok. Anong kinalaman ng kinakain kong manok? Wala naman. Baka curious kayo sa kung anong nilalamon ko ng mga sandaling iyon eh. At eto nga, nagpaplano pa kaming umalis bukas. Oh yes.


To Tumblr, Love PixelUnion