As usual
Dahil natanggal na naman ang kinakalawang na turnilyo sa utak ko…
Asus! Hindi kami magkaintindihan nitong si tumblr ko. Teka, may naalala ako… Hmm… wait, aalalahanin ko lang… Ayun. Ano ng balita dun sa doktor at artista na ilang araw ko ding tinitigan sa TV habang kumakain ako? Wala lang. Naitanong ko lang. Dakilang trip lang.
Anyway, hindi naman para dyan itong post na ito. Para saan? Walang iba kundi sa pagpapaka-loka-loka ko sa code ni tumblr. As in. Hindi kami magkaintindihan. O sadyang ayaw lang intindihin ng aking puso’t isipan? Natutukso kasi akong i-customize si tumblr pero kailangan ko ng sapat na panahon at pasensya para dun at hindi yun available ayon sa aking pasensya. Malabo daw na magawa ko yun sa mga sandaling ito dahil malapit ng magpasukan at kailangan ko daw i-reserve ang pasensya ko para sa nalalapit na panibagong semester.