Malapit na…
Feeling ko talaga eh malapit na akong masagasaan ng tuluyan.
Promise. Kasi naman, meron ngang traffic enforcer pero sasakyan lang ang pinapatawid. Kawawa tuloy si ako na takot tumawid… Swerte na lang kung may makakasabay ako kaagad na tatawid.
Pero bakit kaya ganun? Kasi minsan nakikita ko naman silang nagpapatawid ng ibang tao, pero bakit pagdating sa akin eh mukhang kailangan ko pang tumayo sa gilid ng kalsada sa loob ng 1 oras at langhapin ang lahat ng nakakasukang usok mula sa mga nagmamagaling na sasakyan bago ako mapansin - bago nila mapansin na TAKOT AT HINDI AKO MARUNONG TUMAWID. Haay. Ewan ko sa kanila. Basta kapag natuluyan ako, sila ang una kong mumultuhin.
Posted on Monday June 8th